Mga Rehiyon ng Pilipinas
Ang rehiyon ay isang subdibisyong administratibo sa Pilipinas. Sa taong 2002, mayroon nang 17 rehiyon at ang mga ito ay nahahati sa 79 lalawigan. Nabuo ang mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang kultural at etnolohikal.
Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong pulitika. Ang mga ito ay napapangkat bilang rehiyon para madaliang pamamalakad. Karamihang tanggapan ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na paisaisang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang kabisera ng rehiyon.
Ang mga rehiyon ay walang hiwalay na lokal na pamahalaan, ngunit hindi nabibilang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR) na mga autonomous.
Luzon
Ang Luzon ay tumutukoy sa ang pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas at isa sa tatlong pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao ang dalawa pa).
Bilang isang pulo, ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas na may sukat na 104,688 kilometro kwadrado at ito rin ang ika-17 pinakamalaking pulo sa mundo. Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Luzon Strait.
Ang pangkat ng pulo na tinutukoy bilang ang Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 na lalawigan.
Ang mga rehiyon sa Luzon ay ang mga sumusunod:
- Rehiyon I Ilocos
- Rehiyon II Lambak ng Cagayan
- Rehiyon III Gitnang Luzon
- Rehiyon IV-A CALABARZON
- Rehiyon IV-B MIMAROPA
- Rehiyon V Bicol
- CAR Cordillera Administrative Region
- NCR Pambansang Punong Rehiyon
Visayas
Ang Kabisayaan ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar. Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga mga Bisaya.
Ang mga rehiyon sa Kabisayaan ay ang mga sumusunod:
- Rehiyon VI Kanlurang Visayas
- Rehiyon VII Gitnang Visayas
- Rehiyon VIII Silangang Visayas
Mindanao
Ang Mindanao ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas at isa sa tatlong grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang Luzon at Visayas. Ito ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa, kinabibilangan ng maraming grupong etniko tulad ng mga Maranao at Tausug. Isang mapait na pakikibaka para sa kalayaan ang pinag daranasan ng limang siglo ng ilang mga paksyong muslim laban sa mga nagpasa-pasang mananakop. Ang mga Kastila, Amerikano, Hapones at pati ang mga pwersa ng pamahalaang Pilipino ay hindi nagtagumpay sa pagsugpo sa kagustuhan nilang humiwalay sa nangingibabaw na Kristyanong bansa. Ang mayoriya ng populasyon ng Mindanao ngayon ay Kristyano sanhi na rin ng ilang dekada ng pagaagaw-lupa at malawakang pagpasok ng mga migrante sa rehiyon. Ito ang kinagagalit ng mga mahihirap at nawalang-tahanang mga Muslim Mindanaon at dinadahilang isyu ng mga kilusang separatista na ilang daang taon nang nakikipagdigmaan.
Sa mga nakalipas na taon, ang seguridad sa rehiyon ay lalong pinaigting dulot ng paglaganap ng mga teroristang organisasyong may kaugnayan sa gulong nangyayari sa Gitnang Silangan. Sinasabing ang Mindanao ay may mga kampong pinagsasanayan ng mga grupong terorista tulad ng Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah na humahamon at nag-uudyok sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isang mas moderate at nasyonalistang grupo.
Bilang isang pulo sa timogang bahagi ng bansa, ang Mindanao ang ikalawang pinakamalak sa sukat na 94,630 kilometro kwadrado, mas maliit sa Luzon ng mga 10,000 km² lamang. Ang isla ay mabundok, at dito matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Dagat Sulu ay nasa kanluran ng isla ng Mindanao, sa silangan ay ang Dagat ng Pilipinas, at sa timog naman ay ang Dagat Celebes.
Ang grupo ng isla ng Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao, kasama ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran. Ang grupong ito ay nahahati sa anim na rehiyon, na nahahati naman sa 25 mga probinsya.
Ang mga rehiyon sa Mindanao ay ang mga sumusunod
- Rehiyon IX Kanlurang Mindanao
- Rehiyon X Hilagang Mindanao
- Rehiyon XI Rehiyon ng Davao
- Rehiyon XII SOCCSKSARGEN
- Rehiyon XIII CARAGA
- (ARMM) Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao
No comments:
Post a Comment